Handa ba ang bawat empleyado kapag may emergency sa pwesto mo? Sa halip na itanong kung bakit nangyari, mas mahalagang itanong: “What if?” Ano ang tamang hakbang para maging solusyon sa bawat sitwasyon?
Unang hakbang: maging mapagmatyag. Mata sa paligid, isip sa tungkulin. Kapag may medical emergency, halimbawa may empleyado o bisitang nawalan ng malay sa pwesto, siguraduhing ligtas ang paligid bago lumapit. Tumawag agad sa security officer, ambulansya, o building medical team.
Kung may first aid training, maaaring ilapat ang kaalaman habang naghihintay ng propesyonal na tulong. Kung hindi naman, manatiling obserbante sa kalagayan ng pasyente at panatilihin ang komunikasyon sa medical team hanggang sila ay dumating.
Pangalawa, crowd control. Huwag hayaang magdulot ng pagka-panic ang mga tao sa paligid; siguraduhing may sapat na espasyo ang biktima upang makahinga at mabigyan ng tamang atensyon.
Pangatlo, detalyadong turnover. Kunin ang kompletong pangalan ng pasyente, alamin kung anong unit ng medical team ang dumating, at kung saang ospital dadalhin ang pasyente. I-update ang management para sila ang makipag-ugnayan sa pamilya.
Ang ganitong preparasyon ay hindi lamang nakakatulong sa mabilis na pagtugon, kundi nagpapakita rin ng pagiging responsable at maaasahan sa trabaho. Naranasan na ba ang ganitong sitwasyon? Mahalaga ang pagiging solusyon sa bawat sitwasyon. Mata sa paligid, isip sa tungkulin, at laging handa sa emergency sa pwesto mo.
To learn more about LINKED Group’s updates on our commitment to safety, security, and quality, feel free to explore the full story and related news through the link below.
https://linkedgroup.com.ph/career/
Stay informed and connected with the latest news, updates, and stories from LINKED by visiting and following our official Facebook Page.





